Ibinahagi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang isang personal na payo umano sa kanya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng usapin ng korupsiyon. Sa isang press conference, sinabi ni Remulla na diretsahang sinabi sa kanya ng Pangulo: “Alam mo ‘yung pera sa nakaw? Hindi mo puwedeng ipakain sa anak mo ‘yan.”
Ayon kay Remulla, tumatak sa kanya ang mensaheng ito dahil malinaw ang punto, ang perang galing sa katiwalian ay hindi dapat tanggapin o gamitin, lalo na kung ito ay makaaapekto sa sariling pamilya at konsensya.
Dagdag pa ni Remulla, bilang isang ama ng lima, hindi niya kayang tanggapin na ang kanyang mga anak ay pakakainin mula sa perang galing sa korupsiyon. “Wala sa dibdib ko na, lima ang anak ko, na ipapakain ko sila na ang pera ay galing dito sa korupsiyon na ito,” ani niya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento