Naglabas ng matapang na pahayag si broadcaster Arnold Clavio laban sa ilang senador na kabilang sa bagong mayorya matapos ang kontrobersyal na leadership change sa Senado.
Para kay Clavio, kung may natitira pang dignidad at hiya ang mga senador na sumuporta sa bagong liderato, may panahon pa raw para itama ang direksyon at isalba ang Senado bilang institusyon.
Ang pahayag na ito ay lumabas sa gitna ng matinding kontrobersya matapos mapalitan si dating Senate President Tito Sotto at maupo si Sen. Alan Peter Cayetano bilang bagong Senate President.
“Kung may natitira pang dignidad at hiya ang ilan sa 12 senador na kabilang sa bagong mayorya sa Senado, may panahon pa na magbagong-puri at isalba ang Senado bilang isang institusyon. Maging ang dalawang senador na nag-abstain na sina Sen. JV Ejercito at Sen. Migz Zubiri, ngayon na kailangan manindigan at maging tunay na makabayan.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento