Nilinaw ni NBI Director Melvin Matibag na ang lalaking nasangkot sa insidente ng pamamaril sa Senado ay hindi opisyal na empleyado ng National Bureau of Investigation.
Tinukoy ni Matibag ang lalaking si Mel Oragon, na naunang kinilala sa police report bilang 44-anyos na driver umano ng NBI. Ngunit matapos umanong beripikahin ang records ng ahensya, sinabi ni Matibag na wala ito sa listahan ng official agents o employees ng NBI.
“Vinalidate po namin ang aming records ng aming mga ahente at employees. Siya po ay hindi opisyal na empleyado ng NBI. Lumalabas na siya ay parang volunteer na kasama ng mga ahente.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento