Mariing kinondena ni dating Senate President Tito Sotto ang nangyaring kaguluhan sa labas ng Senado matapos umano siyang palibutan, murahin, at batuhin ng ilang nagpoprotesta habang sakay siya ng kanyang sasakyan.
Sinabi ni Sotto na siya ay “furious and disappointed” sa PNP at iba pang security personnel dahil nabigo umano silang kontrolin ang magulong crowd sa labas ng Senado.
Inilarawan niya ang mga nagprotesta bilang “rowdy and unruly crowd” na paulit-ulit umanong bumangga o kumalampag sa kanyang sasakyan, naghagis ng bote, at nagbitaw ng masasamang salita habang siya ay mag-isang nagmamaneho at walang bodyguard.
“I am furious and disappointed with the PNP and other security personnel assigned outside the Senate for failing to control the rowdy and unruly crowd. The barbaric protesters banged my vehicle repeatedly, threw bottles and cursed foul remarks. They can see that I am driving alone with no bodyguards.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento