Nilinaw ni Senate President Alan Peter Cayetano na hindi raw tamang sabihing “umeskapo” si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa nang umalis ito sa Senate building sa gitna ng tensyon kaugnay ng arrest warrant ng International Criminal Court o ICC.
Para kay Cayetano, ang mas tamang salita ay umalis o chose to leave, dahil wala namang Philippine court order na nagdedetine o pumipigil kay Dela Rosa na lumabas ng Senado.
Iginiit din ni Cayetano na hindi basta kinikilala ng Senado ang ICC warrant kung hindi ito dumadaan sa proseso ng lokal na korte. Ayon sa kanya, ang ICC warrant ay hindi maaaring ipatupad sa Pilipinas nang direkta kung walang recognition o aksyon mula sa Philippine court.
“As far as escaping, he did not escape. He chose to leave. Umalis siya. Or he left. So, no one has to take responsibility for that.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento