Diretsahang tinanong ni Karen Davila si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kaugnay ng mga puna ng publiko matapos kumalat ang video na makikitang tumatakbo siya sa loob ng Senado habang may mga NBI personnel na umaaligid kaugnay ng isyu ng ICC arrest warrant.
Sa panayam, hindi pinalambot ni Karen ang tanong. Binanggit niya ang obserbasyon ng ilang netizens na noon ay matapang ang pananalita ni Bato noong siya ang PNP chief sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, pero ngayon ay nakita siyang tumatakbo, umiiyak, at umiiwas sa Senado.
“Ang tapang-tapang niyo po daw noon, nung kayo ay PNP chief sa ilalim ni dating Pangulong Duterte. Tapos ngayon, eto kayo tumatakbo, umiiwas sa mga pulis, umiiyak sa Senado, takot na takot kayo. Anong reaksiyon niyo po doon?”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento