Nagbigay ng matapang na pahayag si Akbayan party-list Rep. Chel Diokno kaugnay ng inaasahang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa Senado. Ayon kay Diokno, mas marami pa umanong ebidensya ang ilalabas sa paglilitis, at posibleng ikagulat ito ng sambayanang Pilipino.
Diretso ang punto ni Diokno: kung ano man ang nakita ng publiko sa Committee on Justice, hindi pa raw iyon ang kabuuan. Para sa kanya, mas marami pang ilalabas sa Senado kapag nagsimula na ang pormal na trial.
Sa ambush interview, sinabi ni Diokno: “Yung nakita niyo at nakita ng publiko sa Committee on Justice ay katiting lang ’yan sa mailalabas na ebidensya sa Senado.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento