Itinuturing ng National Bureau of Investigation o NBI si Senador Robin Padilla bilang person of interest sa imbestigasyon tungkol sa kasalukuyang kinaroroonan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, si Padilla ang isa sa mga unang dapat tanungin dahil siya umano ang nakilalang huling kasama ni Dela Rosa nang mawala ito sa Senate premises.
Mabigat ito, pero kailangang linawin: ang pagiging “person of interest” ay hindi awtomatikong nangangahulugang guilty o kriminal na si Padilla. Ibig sabihin, may impormasyon siyang maaaring makatulong sa imbestigasyon.
“Kung meron pong unang-unang dapat tanungin, na-identify naman na si Senator Robin Padilla ’yung kasama. Siya po ’yung pinaka-person of interest to shed light sa whereabouts po ni Senator Bato.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento