Naging emosyonal si Senador Joel Villanueva habang binalikan ang nangyaring putukan sa Senado. Ayon kay Villanueva, iba ang bigat ng insidente para sa mga taong nasa loob mismo ng Senate building nang mangyari ang kaguluhan.
Para sa senador hindi ito simpleng balitang napanood lang sa labas. Para sa kanila, personal nilang narinig ang putok, naamoy ang pulbura, at naranasan ang takot habang hindi malinaw kung ano ang susunod na mangyayari.
“I would still recall the gunshots, the smell of gunpowder, and everything that we had experienced.”
Sinabi rin ni Villanueva na ibang-iba ang pakiramdam kapag ikaw mismo ang nasa loob ng Senado habang nangyayari ang tensyon, lalo na noong sila ay nasa isang silid habang naririnig ang putukan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento