Nanawagan si dating Novaliches Bishop Teodoro Bacani sa mga senador na pairalin ang konsensya, hindi ang personal na katapatan sa sinumang politiko, sa pagharap nila sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Bacani na hindi dapat gawing dahilan ng sinumang senador ang pagiging “tao” ni Sara Duterte para hindi bumoto laban sa kanya.
Hindi pinalambot ni Bacani ang kanyang sinabi. Direkta niyang pinagsabihan ang mga senador: “Makonsensya naman kayo… Hindi ka tao ni Sara kung ikaw ay senador, tao ka ng bayan.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento