Matapang na iginiit ni Senador Robin Padilla na kung huhulihin si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kaugnay ng International Criminal Court o ICC, maaari na rin siyang isama dahil isa siya sa mga sumuporta sa drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang linyang ito ay matagal nang sinabi ni Padilla noong 2023 at muling naging relevant matapos lumala ang isyu sa ICC arrest warrant laban kay Dela Rosa.
Diretso ang mensahe ni Padilla: walang iwanan. Para sa kanya, hindi dapat pabayaan si Bato na harapin nang mag-isa ang kasong may kaugnayan sa kampanyang sinuportahan nila.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento