Advertisement

Responsive Advertisement

"MARAMING SALAMAT PA RIN PO SA MGA SUMUSUPORTA" VIRAL POLICE SA MALOLOS, MANGIYAK-NGIYAK NA HUMINGI NG TAWAD SA NOBYA AT SA PNP

Miyerkules, Mayo 13, 2026

 



Mangiyak-ngiyak na humingi ng tawad ang police corporal na nag-viral matapos makunan sa video na nananakit umano ng kanyang live-in partner sa Malolos City, Bulacan. 


Sa mga opisyal na ulat, ang pulis ay tinukoy bilang isang police corporal na nakatalaga sa Malolos City Police Station; ilang social media posts naman ang tumutukoy sa kanya bilang “Del Alimeri,” habang sa ibang ulat ay lumabas ang pangalang Jerome Pingol Dela Cruz.


Sa press conference, humingi ng paumanhin ang police corporal sa kanyang partner, sa publiko, at sa buong PNP. Ayon sa kanya, mali ang nangyari at hindi dapat idamay ang buong kapulisan sa kanyang personal na ginawa


“Ako po ay humihingi ng pasensya sa lahat ng na-offend sa nangyari sa amin ng partner ko. Mali po ang pangyayaring ito at ikinasira pa ng PNP. Ito ay pansarili lamang, hindi po lahat ng pulis ay ganito. Maraming salamat pa rin po sa mga sumusuporta”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento