Nanindigan si Senate President Alan Peter Cayetano na hindi basta papayag ang Senado na kunin si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at ilipad sa The Hague, Netherlands, kung walang malinaw na legal na basehan mula sa korte ng Pilipinas.
Iginiit ni Cayetano na ang Senado ay kikilala lamang sa arrest order na manggagaling sa Philippine court pagdating sa pag-aresto kay Dela Rosa.
Ipinunto ni Cayetano na sa ilalim ng Konstitusyon, ang warrant of arrest ay dapat manggaling sa hukom ng Pilipinas. Nakasaad sa Article III, Section 2 ng 1987 Constitution na walang warrant of arrest ang dapat ilabas maliban kung may probable cause na personal na tinukoy ng judge matapos ang pagsusuri sa ilalim ng panunumpa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento