Advertisement

Responsive Advertisement

“HUWAG NIYO AKONG IBIGAY SA DAYUHAN” SEN. BATO HUMINGI NG TULONG SA MILITAR NA HARANGAN ANG GOBYERNO NA DALHIN SIYA SA THE HAGUE

Miyerkules, Mayo 13, 2026

 



Nanawagan si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa mga nasa uniporme, kabilang ang kanyang mga dating kaklase sa Philippine Military Academy, na ipahayag ang kanilang saloobin laban sa anumang hakbang ng gobyerno na arestuhin siya at ipadala sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.


Diretso ang mensahe ni Bato: ayaw niyang isuko siya ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa dayuhang korte. Ayon sa The Straits Times, hinimok niya ang kanyang “fellow men in uniform” at mga dating kaklase sa PMA na ipahayag ang damdaming hindi raw siya dapat ibigay ng gobyerno sa mga dayuhan.


“Hindi ako nananawagan ng marahas na suporta. Ang hinihingi ko ay mapayapang suporta mula sa aking mga kapwa nasa uniporme. Ipaabot ninyo ang inyong saloobin na hindi dapat ako ibigay ng gobyerno sa dayuhan.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento