Advertisement

Responsive Advertisement

"BAKIT MAY REPORT KANA, DAMING INVOLVE NA HINDI MO IPINATAWAG" SEN. MARCOLETA KINUWESTIYON ANG PARTIAL REPORT NI SEN. LACSON SA FLOOD CONTROL

Miyerkules, Mayo 13, 2026

 



Kinuwestiyon ni Senador Rodante Marcoleta ang partial report ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng imbestigasyon sa mga kontrobersyal na flood control projects. 


Para kay Marcoleta, hindi dapat minamadali ang paglalabas ng report kung marami pa umanong mahahalagang personalidad ang hindi pa napapatawag at hindi pa nasusuri nang buo ang mga ebidensya.


Diretso ang punto ni Marcoleta: paano magiging kumpleto ang report kung may malalaking pangalan pang hindi napapatawag? Binanggit niya ang mga pangalang dapat umanong masalang sa pagdinig, kabilang sina Martin Romualdez, Zaldy Co, Budget Secretary Amenah Pangandaman, at Executive Secretary Lucas Bersamin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento