Positibo si Rep. Benitez na mas marami pang kongresista ang boboto pabor sa impeachment ni Vice President Sara Duterte sa nalalapit na botohan sa Kamara, at posibleng mahigitan pa umano ang naitalang 215 boto noong nakaraang taon.
Ayon kay Benitez, mas matibay ngayon ang kaso laban kay VP Sara dahil dumaan na umano ito sa masusing pagtalakay sa House Committee on Justice, kung saan naipresenta at nasuri ang mga ebidensyang may kaugnayan sa impeachment complaint.
Ipinaliwanag ni Benitez na malaking kaibahan umano ng kasalukuyang impeachment proceedings kumpara sa unang complaint noong nakaraang taon ay ang proseso. Dahil dito, mas marami umanong kongresista ngayon ang nakakita at nakarinig mismo sa mga ebidensyang inilahad laban sa Bise Presidente.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento