Advertisement

Responsive Advertisement

"PAGDATING NAMIN NAKAALIS NA SIYA" DILG SEC. JONVIC REMULLA MUNTIK NANG MAHULI SI ATONG ANG SA CAVITE

Sabado, Mayo 9, 2026

 



Kinumpirma ni DILG Secretary Jonvic Remulla na nananatili pa rin umano sa loob ng Pilipinas ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, na matagal nang iniuugnay sa kontrobersyal na kaso ng mga nawawalang sabungero.


Sa isang forum noong Mayo 8, ibinahagi ni Remulla na muntik nang maaresto si Atong Ang sa lalawigan ng Cavite matapos makatanggap ng intelligence report ang pamahalaan tungkol sa umano’y lokasyon nito.


Ayon kay Remulla, agad na kumilos ang gobyerno matapos makuha ang impormasyon tungkol kay Atong Ang. Layunin umano ng operasyon na mahuli agad ang negosyante na itinuturing na “big fish” sa imbestigasyon sa missing sabungeros case.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento