Matinding pasabog ang inilabas ng tanggapan ni Ombudsman Crispin Remulla matapos nitong pangalanan si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez bilang umano’y “mastermind” sa likod ng kontrobersyal na ₱56 bilyong kickback scheme na konektado sa flood control projects ng gobyerno.
Ang rebelasyon ay lumabas kasabay ng nagpapatuloy na preliminary investigation sa umano’y malawakang anomalya sa national budget at infrastructure allocations.
Base umano sa findings ng imbestigasyon, nagkaroon ng sabwatan o conspiracy sa pagmamanipula ng national budget upang makakuha ng malalaking kickback mula sa flood control projects. Diretsahang sinabi ng Ombudsman na si Romualdez umano ang isa sa pangunahing utak sa likod ng operasyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento