Tahasang itinuro ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro ang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang pangunahing dahilan ng paglobo ng utang ng Pilipinas.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Castro na ang kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay “namana lamang” ang napakalaking obligasyon sa utang na iniwan umano ng nakaraang administrasyon.
Ayon kay Castro, hindi patas na isisi agad sa administrasyong Marcos ang kasalukuyang laki ng utang ng bansa dahil malaking bahagi umano nito ay nagmula pa sa mga hiniram noong panahon ni dating Pangulong Duterte.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento