Naglabas ng emosyonal at diretsahang pahayag si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, matapos niyang aminin na natatakot siya para sa kanyang buhay sa gitna ng mga kontrobersyang kinakaharap niya ngayon.
Tao din ako. Natatakot ako sa buhay ko. Pero higit sa lahat, humihingi ako ng legal process at human treatment na karapatan ng bawat Pilipino." -Sen. Ronald “Bato” dela Rosa
Ayon kay Bato, kaya hindi muna siya nagpapakita sa Senado ay dahil sa seryoso at aktuwal na banta sa kanyang seguridad, isang bagay na hindi raw kayang ipagsawalang-bahala ng sinumang tao, kahit pa siya ay senador.
Giit niya, bago siya husgahan ng publiko, dapat maunawaan na tao rin siya, may pamilya, at may karapatan sa parehong legal process at human treatment na ipinagkakaloob sa kahit sinong Pilipino.
Ayon sa senador, hindi dapat ipagkamali ng iba na dahil matapang siya sa serbisyo at nakilala sa kanyang matigas na imahe, ay wala na siyang karapatang humingi ng proteksyon at patas na proseso.
Ang pahayag ni Sen. Bato dela Rosa ay nagbibigay-linaw sa tunay niyang kalagayan na isang lingkod-bayan na nakararamdam ng takot, nangangailangan ng proteksyon, at humihiling ng patas na pagtrato.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento