Naglabas ng diretsahan at matapang na pahayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa harap ng publiko: handa siyang gawin ang anumang kinakailangan upang maibalik ang tiwala ng sambayanan. Sa gitna ng mga batikos, kontrobersya, at pangamba ng taumbayan tungkol sa pamamalakad ng gobyerno, nangako ang Pangulo na hindi siya uurong sa laban kontra korapsyon.
“Gagawin ko ang lahat para maibalik ang tiwala ng publiko. Babanggain ko ang mga malalaking buwaya sa gobyerno, dahil ang laban na ito ay para sa future ng ating mga anak at ng susunod na henerasyon.” -Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa kanya, may malinaw na misyon ang administrasyon: linisin ang sistema, tapyasin ang kapangyarihan ng mga “malalaking buwaya,” at tiyaking ang gobyerno ay nagsisilbi para sa taong bayan, hindi sa iilang makapangyarihan.
Sa kanyang sariling mga salita, ipinahayag niya na ang laban kontra katiwalian ay hindi lamang para sa kasalukuyan kundi para sa hinaharap ng susunod na henerasyon.
Sa matapang na pangakong binitawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ipinakita niya ang intensyon na magsagawa ng mas malalim at mas seryosong kampanya laban sa korapsyon. Kung maisasakatuparan niya ito, maaaring maging bagong yugto ito ng pamahalaan sa pagharap sa mga malalaking sindikato at opisyal na matagal nang nagpapahirap sa bansa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento