Nagpahayag ng matinding sama ng loob si Senador Lito Lapid sa patuloy na pangungutya at panglalait sa kanya online. Sa loob ng ilang taon, paulit-ulit siyang ginagawang katatawanan dahil sa sinasabing “kakulangan” niya sa politika at pormal na edukasyon. Ngunit ngayon, diretsahan niyang sinabi ang matagal niya nang kinikimkim:
“Hindi ako laruan, nasasaktan din ako” -Senador Lito Lapid
Sa kanyang pahayag, inamin ni Lapid na mabigat sa dibdib ang makita ang mga meme, pang-aasar, at komentong itinuturing siyang “walang alam,” na para bang wala siyang karapatang maging senador. Ayon sa kanya, hindi nakikita ng publiko ang totoong pagsisikap niya sa trabaho at ang dedikasyong ibinibigay niya sa serbisyo publiko.
Marami raw ang mabilis manghusga, pero hindi nila naiisip na may puso rin siya, may damdamin, at may respeto rin sa sarili na nasisira sa tuwing siya’y ginagawang biro.
Aminado si Lapid na hindi siya tradisyunal na pulitiko. Hindi siya abogado, hindi siya ekonomista, hindi siya nagmula sa mga political dynasty.
Sa paglabas ng saloobin ni Sen. Lito Lapid, lumitaw ang isang mas malaking aral na ang mga pulitiko, artista, at public figures ay tao rin may damdamin, may kahinaan, at may limitasyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento