Nagbigay ng tapat at makabagbag-damdaming pahayag si Senador Lito Lapid tungkol sa kanyang pagpasok sa politika aaminin man niya o hindi, hindi ito mula sa sariling ambisyon, kundi mula raw sa kapalaran na paulit-ulit siyang ibinabalik sa serbisyo publiko.
“Di ko naman po alam na makakarating ako rito. Kahit barangay captain lang, hindi ako qualified. Kahit kagawad, hindi ako qualified. Yan po ang nasa isip ko na wala akong karapatang pumasok sa politika dahil kulang ang pinag-aralan ko. Pero wala po akong magawa eh, dinadala ako ng kapalaran dito.” -Senador Lito Lapid
Ayon sa senador, kahit siya mismo ay hindi inakalang magiging bahagi siya ng pamahalaan, lalo na sa mataas na posisyon tulad ng Senado. Sa katunayan, diretsahan niyang inamin na sa kanyang pananaw, hindi siya qualified kahit pa sa pinakamababang posisyon sa barangay.
Binuksan ni Lapid na ang pagpasok niya sa politika ay hindi dahil sa pangarap o personal na kagustuhan. Hindi siya tulad ng ibang pulitiko na pinangarap mula pagkabata ang pampublikong posisyon. Sa halip, hinihila siya ng tao, at tinutulak ng tadhana.
Ang pag-amin ni Sen. Lito Lapid ay isang matapang na deklarasyon sa mundong puno ng pulitiko na may overselling at pagpapakitang-gilas. Ipinakita niyang hindi kailangan ng magarbong background para maging lingkod-bayan kailangan ng katapatan, paninindigan, at puso.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento