Nagpahayag ng kumpiyansa si AFP Chief of Staff General Romeo S. Brawner Jr. na kayang protektahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang soberanya ng bansa sakaling mas lumala ang tensyon sa Middle East at magkaroon ito ng epekto sa rehiyon.
Ayon kay Brawner, bagamat malayo ang kasalukuyang sigalot sa Pilipinas, hindi dapat maging kampante ang bansa. Mahalaga aniya ang pagiging handa sa anumang posibleng implikasyon ng pandaigdigang krisis sa seguridad.
Binigyang-diin ng AFP Chief na malaki ang naitulong ng modernization program ng AFP sa pagpapalakas ng kakayahan ng hukbong sandatahan. Sa mga nagdaang taon, nadagdagan ang kagamitan, teknolohiya, at kapasidad ng mga sundalo upang mas epektibong maipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento