Nananatiling nakaalerto ang Philippine National Police (PNP) habang patuloy nitong mino-monitor ang sitwasyon sa Middle East kasunod ng tumitinding tensyon kaugnay ng pag-atake ng United States at Israel sa Iran.
Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., bagamat malayo ang Pilipinas sa lugar ng kaguluhan, mahalagang maging handa ang bansa sa anumang posibleng epekto nito sa seguridad.
Tiniyak ni Nartatez na sa kasalukuyan ay wala namang direktang banta laban sa Pilipinas. Gayunman, nananatiling maingat ang PNP sa pagmo-monitor ng sitwasyon, lalo na kung may mga kaganapan na maaaring magkaroon ng implikasyon sa loob ng bansa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento