Diretsahang sinagot at sinupalpal ni PCO Undersecretary Claire Castro ang payo ni Sen. Robin Padilla kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na “never surrender to foreign power,” kasabay ng mga ulat tungkol sa posibilidad ng ICC arrest warrant.
“Hindi po natin ina-advice na magtago ang ating kasamahan sa Senado. Bigyan mo naman ng respeto ang mga bumoto sa’yo.” -Atty. Claire Castro
Ayon kay Castro, ang ganitong payo ay hindi lamang delikado, ito rin ay hindi nararapat para sa isang halal na opisyal ng pamahalaan. Sa pahayag niyang ito, malinaw niyang tinutulan ang naging payo ni Padilla, at iginiit na bilang mga lingkod-bayan, ang mga senador ay hindi dapat umiwas sa anumang legal o demokratikong proseso, lalo na kung may iniimbestigahan na seryosong alegasyon.
Binigyang-diin ni Castro na ang responsibilidad ng isang halal na opisyal ay hindi lamang basta pagtatanggol sa sarili, kundi pagpapanatili ng tiwala ng taumbayan.
Ang pagtutol ni PCO Usec. Claire Castro sa payo ni Sen. Robin Padilla ay malinaw at walang paligoy-ligoy ang tungkulin ng isang senador ay hindi magtago o umiwas kundi harapin ang anumang proseso, sa loob man o labas ng bansa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento