Advertisement

Responsive Advertisement

“HUWAG KAILANMAN SUMUKO SA MGA DAYUHAN” SEN. ROBIN PADILLA NAGBIGAY NAG PAYO KAY SEN. BATO DELA ROSA SA POSIBLENG ICC WARRANT

Miyerkules, Disyembre 10, 2025

 



Nagbigay ng mabigat at diretsong mensahe si Senador Robin Padilla para kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa matapos lumabas ang mga ulat tungkol sa posibilidad ng isang International Criminal Court (ICC) arrest warrant kaugnay ng giyera kontra droga noong administrasyong Duterte.


“My advice to him is to never surrender to a foreign power.” -Senador Robin Padilla 


Para kay Padilla, ang isyu ay hindi lamang tungkol kay Dela Rosa bilang dating PNP Chief, kundi tungkol sa soberenya ng Pilipinas. Naniniwala siya na walang kahit sinong dayuhang hukuman ang dapat magdikta o magbigay ng kapangyarihang umaresto sa kahit sinong Pilipinong opisyal, lalo na kung ang mga umano’y pagkakasala ay nangyari sa loob ng sariling teritoryo ng bansa.


Ayon kay Padilla, ang ICC issue ay mas malalim kaysa sa legalidad. Para sa kanya, ito ay paglaban para sa dangal ng bansa. Nanindigan siyang kung may pananagutan si Dela Rosa, dapat itong dinggin at litisin sa Pilipinas, hindi sa isang banyagang institusyon.


Hindi itinago ni Padilla ang kanyang personal na malasakit kay Dela Rosa. Kilala silang magkaalyado at parehong nasa hanay ng mga opisyal na malapit sa dating administrasyong Duterte.


Ang payo ni Sen. Robin Padilla kay Sen. Bato Dela Rosa ay hindi lamang personal na paninindigan ito ay posisyong politikal at makabansa na huwag sumuko, huwag magpaapi, at huwag hayaang dayuhang korte ang magdikta ng kapalaran ng isang Pilipino.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento