Tinanggihan ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang usap-usapang isa siya sa mga posibleng ipalit kay Senate President Alan Peter Cayetano sa gitna ng kumakalat na balita tungkol sa panibagong leadership shakeup sa Senado.
Nilinaw ni Pangilinan na wala siyang interes na habulin ang pagka-Senate President matapos lumabas ang mga ulat tungkol sa posibleng panibagong kudeta sa Senado. Sa halip, sinabi niyang mas nais niyang tumutok sa kanyang trabaho, lalo na sa usapin ng pagkain at agrikultura.
“Para sa akin, mas importante ang Food Security kaysa sa Senate Presidency. Hindi po tayo interesado sa pagiging Senate President. Tutulong na lang ako sa kanila”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento