Iginiit ni MMDA General Manager at dating PNP Chief Nicolas Torre III na hindi simpleng depensa ang pagpapaputok ng warning shot ni Acting Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca sa loob ng Senado.
Sinabi ni Torre na hindi sakop ng PNP Operational Procedures si Aplasca at ang Office of the Senate Sergeant-at-Arms o OSAA, dahil ang naturang rules ay para sa mga pulis. Ibig sabihin, hindi puwedeng basta gamitin ni Aplasca ang PNP rules bilang depensa sa kanyang pagpapaputok.
“First and foremost, hindi covered si General Aplasca sa PNP Operational Procedures. Ang PNP Operational Procedures ay covered lang ang mga pulis at hindi kasama ang OSAA. And nakalagay talaga doon, bawal talaga ang warning shot. You don’t use warning shot just to communicate.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento