Advertisement

Responsive Advertisement

"THERE ARE INFORMATION AVAILABLE TO US TO DETERMINE WHERE HE IS.” DOJ MAY HAWAK NANG LEAD SA KINAROROONAN NI SEN. BATO DELA ROSA

Linggo, Mayo 17, 2026

 



Inihayag ng Department of Justice na may mga hawak na silang bagong lead kaugnay ng kinaroroonan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa matapos itong umalis sa Senado noong madaling-araw ng Huwebes, Mayo 14, kasunod ng putukan at kaguluhan sa gusali. 


Sinabi ni Justice Secretary Fredderick Vida na may “new leads and actionable information” ang gobyerno upang matukoy kung nasaan ang senador.


Hindi ito maliit na development. Ibig sabihin, hindi na lang haka-haka ang usapin kung nasaan si Bato. May mga impormasyon nang hawak ang pamahalaan, at maaari itong maging susi kung paano uusad ang pagpapatupad ng legal na proseso laban sa kanya.


“There are new leads and actionable information that is available to the Republic… there are information available to us to determine where he is.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento