May direktang hamon si Rep. Leila de Lima kay Senate President Alan Peter Cayetano at sa bagong liderato ng Senado: gampanan ang tungkulin ng institusyon sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
Para kay De Lima, hindi puwedeng gawing laro ng pulitika ang impeachment. Kapag naipasa na ng Kamara ang Articles of Impeachment, tungkulin ng Senado na kumilos bilang impeachment court at harapin ang proseso nang seryoso, patas, at walang delay.
“Ang hamon ko ngayon sa bagong liderato ng Senado: gampanan ninyo ang inyong mandato. Ang impeachment ay hindi ordinaryong pulitika; ito ay tungkuling itinakda ng Konstitusyon. Taumbayan ang nanonood.”

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento