Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kanselado na ang pasaporte ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, bilang bahagi ng mas pinaigting na hakbang ng pamahalaan upang matiyak na hindi ito makatakas sa bansa o magtago sa ibang teritoryo.
Sa isang video report na ipinost sa kanyang social media accounts, diretsahang sinabi ni Marcos: “I can report to you that Zaldy Co’s passport has been cancelled.”
Ang hakbang na ito ay nagsisilbing malinaw na pahayag na seryoso ang administrasyon sa paghabol sa mga personalidad na may kinakaharap na imbestigasyon o kaso. Sa pagkansela ng pasaporte, tinatanggalan si Co ng kakayahang legal na makalipad o manatili sa ibang bansa.
Hindi dito nagtatapos ang aksyon ng MalacaƱang. Ayon kay Marcos, inatasan na niya ang Department of Foreign Affairs (DFA) at ang Philippine National Police (PNP) na makipag-coordinate sa mga embahada ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa.
Layunin nito na tiyaking hindi makapagtatago si Zaldy Co at agad na maabisuhan ang pamahalaan kung sakaling subukan niyang pumasok o magtago sa ibang teritoryo. Ang pagkansela ng pasaporte ni Zaldy Co at ang direktiba ni Pangulong Marcos sa DFA at PNP ay patunay na seryoso ang administrasyon sa pagtiyak na walang makakatakas sa imbestigasyon o pananagutan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento