Magiliw ngunit matapang na inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naaresto na ang kontrobersyal na public works contractor na si Cezarah “Sarah” Discaya, na kinasasangkutan ng mabibigat na kasong graft at malversation.
“Magandang balita po: naaresto na si Sarah Discaya. Malapit na nating makamit ang hustisya." - Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa video na inilabas ng MalacaƱang, masaya ipinahayag ng Pangulo na “malapit na nating makamit ang hustisya”, matapos ang ilang linggong usap-usapan at imbestigasyon tungkol sa umano’y anomalya sa pondo ng pamahalaan.
Kasabay ng pahayag ng Pangulo, kinumpirma rin ng National Bureau of Investigation (NBI) na si Discaya ay kusang sumuko sa kanilang tanggapan bago pa man lumabas ang arrest warrant na inaasahang ilalabas ng korte “within the week.”
Ayon sa abogado at tagapagsalita ni Discaya na si Cornelio Samaniego III, nagpunta si Discaya sa NBI headquarters sa Pasay City upang ipakita sa publiko na wala siyang tinatago at handa siyang humarap sa kaso.
Nagsumite siya ng sarili bago pa man magsimula ang operasyon para siya’y arestuhin. Sa ngayon, nananatili pa rin siya sa NBI habang hinihintay ang pormal na utos mula sa korte.
Ang pagsuko at pag-aresto kay Sarah Discaya ay isang malinaw na hakbang tungo sa pag-usad ng imbestigasyon at paghabol sa mga sangkot sa malalaking anomalya sa public works.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento