Mariing tinutulan ni Atty. Claire Castro, tagapagsalita ng Pangulo, ang mga panawagang isailalim si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa drug test, na aniya’y walang malinaw na legal, logical, o moral na basehan.
Ayon sa kanya, hindi makatwiran ang pagpilit sa Pangulo na sumailalim sa isang proseso na hindi naman hinihingi ng batas at hindi rin konektado sa kaniyang tungkulin bilang pinakamataas na opisyal ng bansa.
"Kung ang usapin ay tiwala ng bayan, malinaw ang ebidensya: panatag ang taumbayan kay Pangulong Marcos. Ang oras na gugugulin sa drug test ay mas mainam na ilaan sa paglilingkod, hindi sa pagpapakitang wala namang hinihingi ang publiko." -Atty. Claire Castro, Tagapagsalita ng Pangulo
Giit niya, kung tunay na ang layunin ay public trust, sapat na ang malinaw na ipinapakitang tiwala ng bansa sa Pangulo.
Binanggit ni Castro na ang pinakamahalagang sukatan ng tiwala ay hindi drug test, hindi medical exam, at lalong hindi haka-haka kundi public confidence, na nakikita sa survey ratings, economic performance, at stability ng administrasyon.
Ayon sa kanya, malinaw na malaki ang suporta at pananalig ng publiko kay Pangulong Marcos, at iyon ang dahilan kung bakit hindi kailangan ang drug test.
Ang posisyon ng MalacaƱang ay malinaw na hindi kailangan ni Pangulong Marcos ang drug test dahil walang legal na dahilan, walang kaugnayan sa public trust, at walang tunay na isyung pinatutungkulan. Ang tiwala ng taumbayan ay sapat na basehan upang ipakitang panatag ang bansa sa pamumuno niya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento