Advertisement

Responsive Advertisement

"MATAAS NAMAN ANG TRUST RATINGS BAKIT PA MAGPA-PADRUG TEST?" FIRST FAMILY IGINIIT NA HINDI KAILANGAN ANG DRUG TEST

Biyernes, Disyembre 5, 2025

 



Sa harap ng patuloy na ingay at panawagan ng ilang sektor para sa drug test, malinaw at diretso ang sagot ng First Family ng Marcos, hindi nila ito kailangan, hindi ito makabuluhan, at hindi ito bahagi ng usaping public trust.


"Kung ang taumbayan mismo ay nagpapakita ng mataas na tiwala, bakit kami mag-aaksaya ng oras sa isang drug test na hindi naman sukatan ng integridad?” - Malacanang


Ayon sa kanila, ang drug test ay walang idinadagdag na impormasyon pagdating sa integridad ng isang public official. Kung ang isyu ay tungkol sa pamamahala, paggamit ng pondo, transparency, at credibility, wala raw koneksyon ang drug screening sa alinman dito.


Binigyang-diin ng Palasyo na kung may mahalaga sa public trust, iyon ay performance, delivered results, at trust ratings, hindi medical examinations na hindi naman nakapaloob sa anumang batas bilang requirement sa elected officials.


Ayon sa kanila, malinaw ang datos: mataas ang trust ratings ng Pangulo at ng administrasyon, at iyon ang totoong sukatan ng tiwala ng publiko. Hindi umano kailangan ng drug test para patunayan ang isang bagay na matagal nang alam ng taong bayan: malinis silang lahat.


Sa harap ng mga kontrobersya at panawagang drug test, malakas at malinaw ang posisyon ng First Family: hindi ito kailangan, hindi ito relevant, at hindi ito basehan ng public trust.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento