Advertisement

Responsive Advertisement

"MARAMING DAVAOEÑOS ANG MATUTUWA DITO" PANGULONG MARCOS LABIS NA IPINAGMAMALAKI DAVAO RIVER (BUCANA) BRIDGE SA ISA SA KANYANG LEGACY PROJECT

Biyernes, Disyembre 5, 2025

 



Masayang inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang matagumpay na pagkumpleto ng Davao River (Bucana) Bridge, isa sa pinakamahalagang bahagi ng nagpapatuloy na Davao City Bypass Construction Project.


"Maraming Davaenos ang matutuwa dito kung dati dalawang oras ang biyahe, ngayon 20 hanggang 25 minuto na lang. Ito ang klase ng proyekto na dapat inuuna hindi puro plano, hindi puro pangako, kundi konkretong ginhawa para sa publiko." - Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. 


Ayon sa Pangulo, hindi lamang ito “infrastructure accomplishment,” kundi isang aktwal na solusyon sa matagal nang problema sa daloy ng trapiko sa Davao City. Ilang taon nang reklamo ng mga motorista ang mabagal na biyahe, lalo na sa rush hour at holiday season—kaya’t ang pagtapos sa Bucana Bridge ay isang direktang tugon sa pangangailangan ng publiko.


Sa panayam, hindi itinatago ni Marcos ang kanyang kasiyahan. Ayon sa kanya, “Ito’y sinasabi ang estimate natin na ang biyahe na dati halos dalawang oras ay mababawasan, magiging mga 25 minutes, 20 minutes na lang.”


Kinumpirma ng Pangulo na Disyembre 15 ang target na pagbubukas ng Bucana Bridge para sa mga motorista, isang desisyong aniya ay sadyang pinili upang makatulong ngayong papalapit ang Kapaskuhan.


Ang pagtatapos ng Davao River (Bucana) Bridge ay isa sa pinakamahalagang hakbang sa pagpapabilis ng transportasyon sa Davao Region. 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento