Nagbigay ng matinding paalala si Executive Secretary Ralph Recto sa publiko tungkol sa kanilang obligasyon sa Estado: ang pagbabayad ng tamang buwis. Ayon kay Recto, hindi ito simpleng responsibilidad, ito ang mismong bumubuhay sa gobyerno.
“Kapag hindi ka nagbayad ng tamang buwis, hindi lang multa ang kahahantungan mo. May kriminal na kaso at may kulungan na kaakibat ‘yan” -Executive Secretary Ralph Recto
Malinaw ang mensahe kapag hindi nagbayad, may kaso. Kapag paulit-ulit na umiwas, posibleng makulong. Binigyang-diin ni Recto na ang tax evasion ay isang seryosong paglabag at may malinaw na kaparusahan.
Hindi raw magdadalawang-isip ang pamahalaan na ipasara ang negosyo o ipasok sa kaso ang sinumang patuloy na umiwas.
Ang pahayag ni Executive Secretary Ralph Recto ay hindi lamang simpleng paalala, isang matigas na babala sa lahat ng Pilipino at negosyo na iwasang balewalain ang kanilang obligasyon sa buwis.
Sa panahon ng mataas na gastusin at lumalaking pangangailangan ng bansa, ang buwis ang nagsisilbing gulugod ng pamahalaan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento