Tinawanan lamang ni Senate President Tito Sotto ang kumakalat na alegasyon na umano’y nakatanggap siya ng limpak-limpak na maleta mula kay Zaldy Co kapalit ng pagmadali sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Sotto, walang katotohanan ang paratang na may natanggap siyang maleta na naglalaman ng milyong piso upang impluwensyahan ang takbo ng proseso sa Senado. Para sa kanya, seryosong usapin ang impeachment at hindi ito dapat gawing sentro ng haka-haka at paninira.
Iginiit ng Senate President na ang anumang hakbang ng Senado ay nakabatay sa Konstitusyon at sa umiiral na batas, hindi sa personal na interes o umano’y impluwensiya ng pera. Aniya, ang impeachment ay isang proseso na may malinaw na alituntunin at hindi basta-basta napapabilis dahil lamang sa alegasyon ng suhol.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento