Hinimok ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro ang publiko na huwag basta maniwala sa mga pahayag ng 18 dating miyembro ng Philippine Marine Corps na nagsasabing si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang umano’y mastermind sa isyu ng “male-maletang delivery” na iniuugnay kay Zaldy Co.
Ayon kay Castro, mahalagang maging mapanuri ang publiko at huwag agad tanggapin ang mga paratang kung wala namang malinaw at matibay na ebidensya.
Mariing pinabulaanan ng Usec. ang alegasyon at iginiit na hindi sapat at hindi credible ang mga salaysay ng 18 ex-marines upang maiugnay ang Pangulo sa flood control scandal. Aniya, seryoso ang ganitong paratang kaya’t kinakailangan ng konkretong patunay at hindi lamang mga affidavit na walang malinaw na suporta.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento