Advertisement

Responsive Advertisement

"TUMAKBO NG MAGKASAMA SA 2022 DAPAT MAGBITIW DIN NG MAGKASAMA" CONG. ERICE NANAWAGAN NG SABAYANG PAGBIBITIW NI PANGULONG MARCOS AT VP SARA

Linggo, Marso 1, 2026

 



Iginiit ni Cong. Edgar Erice na kung magkasamang tumakbo sa halalan noong 2022 sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa ilalim ng bandila ng “unity,” nararapat lamang umano na kung may pananagutan ay harapin din nila ito nang magkasama.


Ayon kay Erice, hindi umano natupad ang ipinangakong pagkakaisa na inaasahan ng taumbayan. Sa halip na magpakita ng matibay na samahan sa pamumuno, nakikita raw ng publiko ang hidwaan at bangayan sa pagitan ng dalawang pinakamataas na opisyal ng bansa.


Ngunit ayon kay Erice, kung ang resulta ay alitan at pulitikal na tensyon, dapat umanong suriin kung natupad ba ang ipinangakong pagbabago. Aniya, ang tunay na sukatan ng pamumuno ay hindi lamang panalo sa eleksyon kundi ang kakayahang maghatid ng pagkakaisa at konkretong resulta para sa mamamayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento