Advertisement

Responsive Advertisement

"WALANG AKONG NILIHIS AT SUMUSUNOD LANG TAYO SA EBIDENSYA" SEN. PING LACSON ITINANGGI NA HINDI NIYA NILIHIS ANG IMBESTIGASYON NG FLOOD CONTROL

Linggo, Marso 1, 2026

 



Mariing pinasinungalingan ni Senador Ping Lacson ang alegasyong nilihis niya ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng flood control controversy. Ayon sa mga kritiko, imbes na ituon umano ang imbestigasyon sa mas matataas na opisyal gaya nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez, napunta raw ito sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na tinaguriang “maliliit na isda.”


Subalit ayon kay Lacson, walang katotohanan ang paratang na may sinadya siyang paglihis ng direksyon ng imbestigasyon. Aniya, ang komite ay sumusunod lamang sa mga ebidensyang lumilitaw sa bawat pagdinig.


Ipinaliwanag ng senador na ang tungkulin ng Blue Ribbon Committee ay tuklasin ang katotohanan batay sa dokumento, testimonya, at ebidensya. Kung saan man humantong ang imbestigasyon, doon ito dapat dalhin ng mga natuklasan, hindi ng pulitikal na pressure o haka-haka.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento