Mariing pinasinungalingan ni Ombudsman Crispin “Boying” Remulla ang alegasyong pino-protektahan at pinapaboran niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga usaping may kinalaman sa imbestigasyon at pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan.
Ayon kay Remulla, walang katotohanan ang paratang na may kinikilingan siya sa kanyang tungkulin bilang Ombudsman. Binigyang-diin niya na ang kanyang opisina ay isang independent constitutional body na may malinaw na mandato sa ilalim ng Saligang Batas.
Ipinaliwanag ni Remulla na ang pangunahing tungkulin ng Ombudsman ay tiyakin na ang mga opisyal ng pamahalaan ay sumusunod sa batas. Aniya, hindi siya naglilingkod para sa sinumang politiko kundi para sa batas at sa taumbayan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento