Ibinahagi ng lead counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman ang naging pag-uusap nila sa loob ng detention facility. Ayon kay Kaufman, ipinahayag ng dating Pangulo na tanggap na niya ang kanyang kapalaran at handa siyang harapin ang anumang kahihinatnan ng kanyang sitwasyon.
Sa pahayag na iniulat ng kanyang abogado, sinabi ni Duterte: “I was a faithful servant of the people and that is how I wish to be remembered. I have now accepted my fate and I realize that I could die in prison.”
Ayon kay Kaufman, ang nais lamang umano ng dating Pangulo ay maalala siya bilang isang “faithful servant” o tapat na lingkod ng bayan. Sa kabila ng mga kasong kinakaharap at kontrobersiya, naniniwala siyang ang kanyang intensyon ay maglingkod sa sambayanang Pilipino.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento