Umabot na sa P17.562 trilyon ang kabuuang utang ng Pilipinas pagdating ng Oktubre, ayon sa pinakabagong datos ng Bureau of the Treasury. Ito ay halos katumbas ng pinakamataas na naitala noong Hulyo na P17.563 trilyon, at lumagpas pa ng mahigit P200 bilyon sa full-year projection.
Hindi na ito simpleng pag-akyat, ito ay isang alarma na nagpapakitang mabilis ang pagbigat ng dalahin ng bansa.
Matapang na iginiit ni Executive Secretary Ralph Recto na kayang bayaran ng Pilipinas ang P17.56-T na utang, pero may kundisyon na dapat magbayad nang tama ang buong sambayanan.
Habang nagpapaalala ni Ralph Recto sa pagbabayad ng buwis, may ilang ekonomistang nagpahayag na hindi sapat na iasa sa taxpayer ang solusyon sa lumolobong utang:
Ang pag-akyat ng national debt sa P17.56 trilyon ay hindi lang numero, ito ay malinaw na hamon sa ekonomiya. Habang sinisiguro ng Pangulo na kaya itong bayaran, malinaw na kailangan ang malawakang kooperasyon, mula sa tamang pagbabayad ng buwis hanggang sa tamang paggamit ng pondo ng gobyerno.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento