Advertisement

Responsive Advertisement

"KUNG MAKITA NINYO SI ZALDY CO, PICTURAN NIYO AGAD WAG N’YONG PALAMPASIN" DILG SEC. JONVIC REMULLA MAY PANAWAGAN SA MGA PILIPINO SA ABROAD

Martes, Disyembre 2, 2025

 



Mariing kinumpirma ni DILG Secretary Jonvic Remulla na pinaniniwalaang nasa Japan ngayon ang dating Ako Bicol party-list representative na si Zaldy Co, at posibleng matagal na nitong hawak ang dayuhang passport.


“Zaldy Co is believed to be in Japan,”  -DILG Secretary Jonvic Remulla 


Hindi raw basta haka-haka ang impormasyong ito, kundi resulta ng naglalalim na intel at cross-checking sa international records.



Bukod sa Japan, may isa pang matinding hinala ang DIG na maaaring nasa Portugal na si Co at doon na raw naninirahan. Habang wala pang konkretong dokumento, inuuna ng ahensiya ang posibleng ruta at network na ginagalawan ni Co.


Sa matapang at diretso sa puntong panawagan ni Sec. Jonvic Remulla, malinaw ang mensahe: hindi puwedeng magtago ang isang tao kung may dapat sagutin sa batas. Sa gitna ng pagkakaiba-iba ng impormasyon tungkol sa lokasyon ni Zaldy Co, ang simpleng larawan mula sa publiko ang maaaring maging pinakamahalagang piraso ng ebidensya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento