Advertisement

Responsive Advertisement

"HINDI PARIN AKO TITIGIL SA PAGSASABI NG TOTOO" 60-ARAW NA SUSPENSYON KAY REP. KIKO BARZAGA, INAPRUBAHAN NG KAMARA

Martes, Disyembre 2, 2025

 



Opisyal nang sinuspende ng House of Representatives si Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga ng 60 araw matapos siyang ideklarang “guilty of disorderly behavior.”

Ayon sa House Committee on Ethics, ang ilan sa kaniyang social media posts ay “reckless,” “inflammatory,” at “unparliamentary.”


Sa plenary session, 249 na mambabatas ang bumoto pabor sa rekomendasyon ng komite; 5 ang tumutol, at 11 ang nag-abstain. Giit ng panel, ang ganitong pag-uugali ay “unbecoming of a House member” at nakasisira sa integridad ng institusyon.


Noong Setyembre, ilang miyembro ng National Unity Party pinangungunahan ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno ang naghain ng ethics complaint laban kay Barzaga. Kasama sa reklamo ang umano’y misconduct at serye ng posts na “hindi angkop” sa isang halal na opisyal.


Pero ayon sa Ethics Committee, kahit pa protected speech ang ilang bahagi, ang “malicious intent” ng ilang posts ay hindi raw maikakaila. Dahil dito, nagpasya ang Kamara na magpatupad ng 60-day preventive suspension.


Ang suspension kay Rep. Kiko Barzaga ay nagbukas muli ng diskusyon tungkol sa hangganan ng free speech ng mga halal na opisyal at ang standards of conduct na inaasahan sa kanila.

Habang naninindigan ang Ethics Committee na ang ilang posts ay may masamang intensyon at nakasisira sa institusyon, nananatili naman si Barzaga sa posisyong ang kaniyang mga pahayag ay tungkulin at hindi katiwalian.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento