Ipinahayag ni Senator Erwin Tulfo ang kanyang taos-pusong pasasalamat at malaking karangalan sa pagiging bahagi ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) Executive Squadron Assembly. Dinaluhan ang pagtitipon ng First Lady Liza Araneta-Marcos at mga opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG) na pinangungunahan ni Commandant Admiral Ronnie Gil L. Gavan.
"Isang malaking karangalan na makasama ang First Lady sa iisang layunin ang magbigay ng tulong at proteksyon sa ating mga kababayan." -Sen. Erwin Tulfo
Ayon kay Tulfo, hindi lamang ito simpleng pagtitipon kundi isang mahalagang pagtutulungan para mas mapalakas ang suporta sa PCG, lalo na sa kanilang mga operasyon sa disaster response, maritime safety, at humanitarian missions sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Bilang dating kalihim ng DSWD at kilala sa kanyang public service advocacy, sinabi ni Tulfo na ang pakikiisa ni first lady Liza Marcos ay tugma sa kanyang personal na misyon na tulungan ang mga Pilipino, lalo na sa panahon ng sakuna. Pinuri rin niya ang dedikasyon ng PCG na patuloy na nagsisilbi kahit delikado ang kanilang trabaho sa karagatan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento