Inanunsyo ni dating Senador Antonio Trillanes IV na maghahain siya ng panibagong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa Pebrero 2026. Ayon sa kanya, layon nitong ipakita sa publiko ang mga allegations at mga isyung nais niyang ipaimbestiga, partikular ang mga sinasabi niyang iregularidad sa paggamit ng pondo ng pamahalaan.
Giit ni Trillanes, panahon na raw para mabigyan ng pagkakataon ang taumbayan na makita ang buong detalye ng mga dokumentong ilalabas niya. Ngunit nilinaw niyang ang lahat ng ito ay dadaan pa rin sa proseso, at ang Kongreso ang may huling pasya kung may sapat na basehan ang kanyang reklamo.
"Susubukan natin ulit, sabi ko sa inyo babagsak ang mga Duterte"
Ang anunsyo ni Trillanes ay muling nagpasiklab ng diskusyon hinggil sa impeachment, transparency, at pananagutan sa pamahalaan.
Habang may mga sumasang-ayon sa kanyang hakbang, marami rin ang nananawagang sundin ang tamang proseso, dahil ang mga alegasyon ay hindi pa napatutunayan at ang Kongreso pa rin ang magpapasya kung may sapat na batayan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento