Nagpunta sa piskalya ang aktres na si Kim Chiu upang magsumite ng isang reklamo kaugnay ng umano’y nawalang bahagi ng pondo mula sa ilan niyang negosyo. Ayon sa kanyang kampo, layunin ng paghahain ng reklamo na maimbestigahan, malinawan, at matukoy kung ano talaga ang nangyari sa naturang pondo laban sa kanyang kapatid na si Lakambini Chiu
“Hindi madali para sa akin na dalhin ito sa legal na proseso, pero kailangan kong protektahan ang aking negosyo. Wala po akong gustong saktan gusto ko lang po ng katotohanan at malinaw na paliwanag. Hahayaan ko ang imbestigasyon na magsabi kung ano ang tama.” -Kim
Nilinaw ng kanyang mga abogado na ang paghahain ng reklamo ay hindi pa nangangahulugan ng pagkakasala ng sinuman, dahil obligasyon lamang ng isang negosyante na ipagtanggol ang kanyang mga assets at panagutin ang sinumang posibleng may pananagutan kung mapatutunayan ng awtoridad.
Batay sa impormasyon mula sa kampo ni Kim, napansin umano nila ang ilang iregularidad sa accounting at asset records, dahilan upang kanilang ilapit ito sa tamang proseso ng batas.
Ang paghahain ni Kim Chiu ng reklamo ay hindi pagdedeklara ng kasalanan ng sinuman, kundi isang pormal na hakbang para sa klaripikasyon, transparency, at maayos na imbestigasyon.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento