Iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang agarang pagsuspinde sa Complete Disability Discharge (CDD) ng sundalong si Captain Jerome Jacuba, isang beterano na nabulag matapos masabugan ng bomba sa gitna ng engkwentro.
Ayon sa Pangulo, hindi makatarungang basta na lamang tanggalin sa serbisyo ang isang sundalong nagbuwis ng lakas, paningin, at buhay para sa bayan. Sa halip, kailangan umanong masiguro na mabibigyan siya ng nararapat na pagkilala, suporta, at oportunidad sa loob ng serbisyo.
“Hindi natin puwedeng basta bitawan ang sundalong nag-alay ng lahat para sa kapayapaan. Dapat natin silang alalayan, hindi iwan.” -PBBM
Ayon kay PBBM, marami pang non-combat duties na maaaring gampanan si Capt. Jacuba lalo’t may 15 taon na itong malawak na karanasan bilang sundalo.
Ang desisyon ni Pangulong Marcos na pigilan ang pag-discharge kay Capt. Jerome Jacuba ay malinaw na mensahe ang mga sundalong nagbuwis ng bahagi ng kanilang buhay para sa bansa ay hindi dapat pinababayaan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento